Mga Eksana sa Ospital
July 5, 2009 by kulas
Filed under Pinoy Jokes and Trivias
Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH, mahal na mahal talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na may sakit. Pilit nilang tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng kanilang anak.
Doktor: “Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anak niyo?”
Mrs 1 : “Doc phenobarbiedoll po.”
Doktor: “Ah baka po phenobarbital. ” (Gamot sa convulsion ang
phenobarbital)
Doktor: “Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng anak ninyo?”
Mrs 2: “Doc metromanilazole po.”
Doktor: “Ah baka po metronidazole. ” (Gamot sa amoeba ang
metronidazole)
Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU (Post-Anesthesia Care Unit)
Doktor: “Mrs., tapos na po ang operasyon ng anak ninyo, punta na Po
kayo sa PACU.
Mrs 3: “Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po ba o sa may
palengke?
Doktor: “Mrs. ano po ba ang sinabi ng dating doktor kung ano daw ang
sakit ng inyong anak?”
Mrs 4: “Eh Doc sabi po niya Tragedy of Fallot.
Doktor: “Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang Congenital Heart Disease
ang Tetralogy of Fallot)
Biglang nagtatarang ang isang nanay at sumigaw.
Mrs: “Scissors! Scissors! Nag-sciscissors ang anak ko, Doc!”
Doktor: “Nurse, diazepam please, nag-seizure ang pasyente!”
Doktor: “Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?”
Mrs. : May ketong daw po. In-examine ng doktor ang balat ng pasyente.
Wala siyang makitang senyales ng ketong. Tumawag pa siya ng isang
Dermatologist para mag-examine nang husto. Wala talaga.
Doktor: “Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang Sakit ng bata?”
Mrs: “Eh iyon po ang sabi ng doktor niya dati. Mataas daw po ang ketong
sa ihi dahil may diabetes.”
Doktor: “Ah ketone po yon! (Ang positive ketone sa Ihi ay senyales ng
kumplikasyon ng diabetes.)
Doktor: (Sa buntis na mrs. na nagle-labor) “Mrs.pumutok na po ba ang
panubigan mo?”
Mrs: “Eh Doc, wala naman po akong narinig na pagsabog.” (Hanep!)
Comments
Feel free to leave a comment...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!